Linggo, Nobyembre 17, 2019

Umiibig ka nga ba talaga?

Image may contain: text

Umiibig ka nga ba talaga? Ipakita mo sa gawa at pananampalataya sa Salita ng Panginoong JesuCristo
(Click website for english version: https://www.remnantinthewilderness.com/post/is-your-love-true?fbclid=IwAR1jxnc9MNtUqDYqJuakmLUodBNQ2KDs_285tJhywq026nImVv4ulaN6NHU )


Bilang tunay na mananampalataya ay hindi natin dapat bukambibig lamang ng salitang.."Pag-ibig" kung hindi mo naman isinasabuhay. Madali mong sabihin ang salitang.. "Mahal kita, mahal ko kayo" ngunit taliwas naman ito sa iyong gawa dahil laging masama ang hangad mo sa kapwa at ayaw mong maniwala at sumunod sa mga nakasulat ng utos ng Panginoong JesuCristo. Kung ang laging nasa isipan mo ay panggugulo, masamang hangarin sa kapwa at maruming pag-iisip ay paano mo sasabihing ikaw ay umiibig? Ibigin mo muna ang salita ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng salita ng Panginoong JesuCristo bago mo sabihin sa iyong kapwa na "Mahal kita".


Baka naman hayag sa gawa ng laman ang iyong gawain?


Gawa 5 (JW.org)
19 At ang mga gawa ng laman ay hayag,+ at ang mga ito ay pakikiapid,+ karumihan, mahalay na paggawi,+ 20 idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo,+ mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, 21 mga inggitan, mga paglalasingan,+ mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito. Tungkol sa mga bagay na ito ay patiuna ko kayong binababalaan, kung paanong patiuna ko kayong binabalaan, na yaong mga nagsasagawa+ ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.+


1 Juan 4:16-21 MBB05
Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. Ang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin kaya't hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo'y tulad ni Cristo, kahit nasa daigdig pang ito. Walang kasamang takot ang pag-ibig at pinapawi ng ganap na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” subalit napopoot naman sa kanyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita? Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang mga kapatid.