Linggo, Nobyembre 17, 2019

Ang dapat paniwalaan sa ikapagiging handa sa nalalapit na dakilang araw ng Panginoon...



(Click website for english version: https://www.remnantinthewilderness.com/post/where-should-we-believe-in-regards-to-becoming-prepared-before-the-great-day-of-the-lord?fbclid=IwAR1jxnc9MNtUqDYqJuakmLUodBNQ2KDs_285tJhywq026nImVv4ulaN6NHU )


Simula palang noong una ay sumasampalataya na tayo sa lahat ng mga hula sa Banal na Kasulatan. Ito ang ginawa nating saligan upang makita natin ang tamang daan sa paglilingkod sa Panginoong Diyos at sa ikaliligtas. Dito tayo nanalig sa pagsusugo sa kapatid nating si Ka Felix na siyang naghanda ng isang bayan bago dumating ang napakadakilang araw ng Panginoong JesuCristo. Naipahayag na ito ng Panginoon na ihahanda muna ang lahat ng bagay bago ang kanyang pagdating.


Mateo 17
10Tinanong siya ng kanyang mga tagasunod, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na KAILANGAN DAW MUNANG DUMATING SI ELIAS BAGO DUMATING ANG CRISTO?” 11Sumagot si Jesus, “Totoo iyan, KAILANGAN NGANG DUMATING MUNA SI ELIAS UPANG IHANDA ANG LAHAT NG BAGAY.


Lucas 1 (RTPV05)
17Mauuna siya sa Panginoon na taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang kanilang mga anak, at panumbalikin sa daang matuwid ang mga suwail. Sa gayon, IPAGHAHANDA NIYA NG ISANG BAYAN ANG PANGINOON.”


Gaya ng inihayag patungkol kay Juan Bautista ay gayun din ang gawain ni Ka Felix na naghanda din ng isang bayan at nagpasimula ng pagbabautismo para sa bayan ng Diyos sa huling araw na ito. Hindi siya ang literal na Elias noon subalit taglay niya ang espiritu at kapangyarihan ng Elias sa pagpapahayag ng mga salita ng Diyos upang matutunan ng mga tao ang daang matuwid sa pagkakilala sa Panginoong Diyos at ang pagpaparangal sa Panginoong JesuCristo bilang sinugo na ulo ng katawan o ng Iglesia.

Mula sa tunay na pagkakilala sa Panginoong Diyos ay matututunan nila ang mga aral ukol sa pakikipagkapwa tao, ang pagiging ilaw ng sanlibutan at ang tunay na pagmamahalan sa pamilyang Iglesia ni Cristo.

Malakias 4
5“Makinig kayo! Bago dumating ang nakakapangilabot na araw ng aking pagpaparusa, isusugo ko sa inyo si Propeta Elias. 6IBABALIK NIYA ANG MAGANDANG RELASYON NG MGA MAGULANG AT MGA ANAK, upang pagdating ko ay hindi ko na isusumpa ang inyong bayan.”


Lucas 1 (ASND)
16Maraming Israelita ang panunumbalikin niya sa Panginoon na kanilang Dios. 17Mauuna siya sa Panginoon upang ihanda ang mga tao sa pagdating ng Panginoon. Gagawin niya ito sa tulong ng Banal na Espiritu at sa pamamagitan ng kapangyarihang katulad ng kay Elias noon. TUTURUAN NIYA ANG MGA MAGULANG NA MAHALIN ANG KANILANG MGA ANAK, at ibabalik niya sa matuwid na pag-iisip ang mga taong masuwayin sa Dios.”



Ang gawain ni Juan Bautista noon ay tulad din ng iniaral ng mga tunay na lingkod ng Panginoong Diyos noon, at ngayon ay iniaral din ni Ka Felix sa ating panahon...



Efeso 6
1Mga anak, sundin nʼyo ang mga magulang nʼyo dahil ito ang nararapat gawin bilang mga mananampalataya sa Panginoon. 2“Igalang nʼyo ang inyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako. 3At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”
4At kayo namang mga magulang, huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.



Iyan ang mga gawaing iniatang sa sugo, ang paghahanda ng isang bayan at ang pagpapakilala ng mga tunay na aral ng Panginoong Diyos at ng ating Panginoong JesuCristo.

------------

Bago pumanaw si Ka Felix ay paulit-ulit niya ring inihayag ang mga aral na dapat sundin ng tao, iyan ay ang pananangan lamang sa mga turo na nakasulat sa Banal na Kasulatan na itinuro ng mga propeta noon, ng mga apostol at higit sa lahat ay ang pananalig sa mga turo ng Panginoong JesuCristo. Iyan ay para tayo ay maingatan sa mga susunod pang panahon kahit wala na siya sa mundong ito.


Ka Felix Manalo:
Yung mga Iglesia ni Cristo tinuturuan sila na huwag maniniwala sa tao pag ang pinag-uusapan e aral ng Diyos. Ang maaari lamang taong paniwalaan nila... ANG MGA APOSTOL, ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, ANG MGA PROPETA, maliban diyan HINDI NA. Dahil sa iyon ay sadyang itinalaga ng Diyos para maghayag ng kanyang gusto sa tao, higit sa lahat ang makapagturo ng maraming kagustuhan ng Diyos ay ang ating Panginoong JesuCristo. Kaya't ang Iglesia ni Cristo iyun ang sinasampalatayanan, iyun ang pinananaligan. Ang sinasampalatayanan nila'y YUNG MGA TURO NOON sapagkat yun yung mula sa Diyos. Kaya't hindi pinahihintulot sa Iglesia ni Cristo sa pagsasalita ay magsalita ng kanyang bawat maibigan, ang kailangan sa pagsasalita BASAHIN ANG ARAL NG DIYOS, yun ang tignan. Kung ano ang sinasabi roon YUN ANG DAPAT SUNDIN.



Ang mga tunay na isinugo ng Diyos na itinuturo ni Ka Felix na dapat na paniwalaan natin ay may panatag na Salita ng hula na nagliliwanag sa ating mga puso at hindi ito nagbibigay ng kalituhan at kontrahang turo. Ito ay nagbibigay unawa



Mga Awit 119:130 TLAB
Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.


2 Pedro 1:19
" At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso "


2 Pedro 1 rtpv05
21sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.



Sa pamamagitan niyan ay maiingatan tayo na huwag maniwala sa mga nagpapakilalang propeta na umaangkin lang sa kahalalan ng Panginoong JesuCristo sa paghahari. Alalahanin natin ang nakasulat sa Mateo 24 na dalawang Cristo ang darating sa huling panahon, isang bulaan na magsasamantala sa sitwasyon at marami ang madadaya at ang tunay na Cristo na makikita sa alapaap sa araw ng paghuhukom. Alam na natin ang tunay kaya handa na tayo anoman ang mahayag sa atin sa loob ng Iglesia ngayon.


Marami ang kababayan natin ang maaring sabihin ang ganito..."Kailan lang nagkaroon kayo ng kaguluhan sa loob ng Iglesia kaya paano niyong masasabi na naisakatuparan ng sinasabi niyong sugo ang kanyang tungkulin sa pagpapaunawa ng tamang aral sa pakikipagkapwa tao at pagdadala ng pamilya? Madami kayong kapatid sa Iglesia ang gumagawa ng labag sa batas na naibabalita din sa telebisyon"


Heto ang sagot namin diyan...


Mateo 13 (ASND)
24Muling nagbigay ng talinghaga si Jesus sa kanila, “Ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25Pero kinagabihan, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway at naghasik ng masasamang damo at umalis. 26Nang tumubo ang mga tanim at namunga, lumitaw din ang masasamang damo. 27Kaya pumunta sa kanya ang kanyang mga alipin at sinabi, ‘Hindi po ba mabubuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Paano po ba ito nagkaroon ng masasamang damo?’ 28Sinabi ng may-ari, ‘Isang kaaway ang may kagagawan nito.’ Tinanong siya ng mga utusan, ‘Gusto po ba ninyong bunutin namin ang masasamang damo?’ 29Sumagot siya, ‘Huwag, baka mabunot din ninyo pati ang trigo. 30Hayaan na lang muna ninyong lumagong pareho hanggang sa anihan. Kapag dumating na ang panahong iyon, sasabihin ko sa mga tagapag-ani na unahin muna nilang bunutin ang masasamang damo, at bigkisin para sunugin. Pagkatapos, ipapaani ko sa kanila ang trigo at ipapaimbak sa aking bodega.’ ”



Iyan ang katotohanan at kaganapan. Nakapagtanim man ng mabubuting binhi subalit mayroon talagang mahahalo na masasamang damo gaya sa nakasulat sa talinhaga ng Panginoon, at may takdang panahon upang sabay sabay gapasin at paghiwa-hiwalayin. Ang masamang damo ay susunugin at ang trigo ay ilalagay sa bodega o kamalig ng Panginoon. Iyan ay sa pagdating ng araw ng Panginoong JesuCristo at ang paghahari ng kanyang kapangyarihan upang parusahan ang lahat ng masasama kasama na diyan ang mga bulaang propeta.



Zacarias 13
1Sinabi pa ni Yahweh, “Sa panahong iyon, lilitaw ang isang bukal at lilinisin nito ang kasalanan at karumihan ng sambahayan ni David at ng mga taga-Jerusalem.
2“Aalisin ko sa lupain ang lahat ng diyus-diyosan at mapapawi sila sa alaala habang panahon. Aalisin ko na rin ang mga bulaang propeta at masasamang espiritu.


Ezekiel 13
7Huwad ang kanilang pangitain at kasinungalingan ang kanilang pahayag sapagkat sabi nila'y ipinapasabi ko iyon bagama't wala akong sinasabing ganoon.”