Imposible man sa isip natin na magaganap ang mga nakasulat na babala na paulit-ulit na nating naririnig sa mga pagsamba ay kailangan natin ang lubos na pagtitiwala, sapagkat ang pananampalataya ng isang tunay na anak ng Panginoong Diyos ay pagtitiwala sa mga bagay na hindi nakikita.
Hebreo
11
1Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita.

Roma
8
24Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? 25Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
_________________________________________________
Bilang mga tunay na tagasunod ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong JesuCristo ay kailangan na nakatuon ang pansin natin sa mga bagay na hindi nakikita, na ang ibig sabihin ay ang buhay sa hinaharap sa piling ng Panginoong Diyos ang dapat nating pagtuunan ng pansin at hindi sa nakikita natin sa mundong ito na panandalian lamang. Sapagkat ang lahat ng bagay sa mundong ito ay walang kabuluhan at ang lahat ng ito ay iiwan lamang natin pagdating ng panahon.

2
Corinto 4
18Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
Baka naman matindi ang pagiging abala natin sa paghahanapbuhay, sa kalayawan, sa pagkatuliro kung paano makaipon para sa mga susunod na taon ng ating buhay? Hindi na natin inalala man lang kung paano magbasa ng Banal na Kasulatan, kung paano ito isabuhay, kung paano tayo mamuhay sa kabanalan at sa ikapagiging handa kung anomang oras na kunin ang ating buhay.
Mateo 6
19“Huwag kayong mag-ipon ng kayamanan para sa inyong sarili rito sa mundo, dahil dito ay may mga insekto at kalawang na sisira sa inyong kayamanan, at may mga magnanakaw na kukuha nito. 20Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang nakakapasok na magnanakaw. 21Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, naroon din ang inyong puso.”
_________________________________________________
Gawin nating halimbawa ang isa sa lingkod ng Panginoong Diyos na si Noe. Bagama't pinagtawanan siya ng lahat ng mga nakakakilala sa kanya sa panahong ginagawa niya ang daong ay lubos parin siyang nagtiwala sa magagawa ng Panginoong Diyos sa ikaliligtas bago niya gunawin ang mundo na hindi naman mapaniwalaan ng mga tao noon.

7Dahil sa pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na mangyayari ngunit hindi pa niya nakikita. Gumawa siya ng isang malaking barko upang siya at ang kanyang pamilya ay maligtas. Sa pamamagitan nito'y nahatulan ang sanlibutan, ngunit si Noe ay ibinilang na matuwid dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.
Ibinibigay ang mga babala upang maging matatag tayo sa ating pananampalataya at para makapag-ingat tayo na hindi mahulog sa mga kasalanan. Anomang oras na dumating ang ating inaasahan ay alam natin sa ating mga sarili na handa tayo.
1 Corinto 10
12Kaya kung iniisip ninyo na matatag na kayo sa inyong pananampalataya, mag-ingat kayo at baka mahulog kayo sa kasalanan!

Kung tayo ay nakikinig at tumutupad sa salita ng ating Panginoong JesuCristo ay natitiyak nating tayo ay sa panig ng ating Panginoong Diyos, gaya ng nasusulat...
Juan 17 tlab
6Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.

Maaring sabihin ng iba... "Bakit ka nagpapahayag ng mga bagay na ito?, may karapatan ka ba?", ang sagot natin ay ang nakasulat...
1 Corinto 4
13Sinasabi ng kasulatan, “Nagsalita ako sapagkat ako'y sumampalataya.” Sa ganoon ding diwa ng pananampalataya, nagsasalita kami dahil kami'y sumasampalataya.
Sumasampalataya tayo sa nakasulat, at kung sumasampalataya din kayo ay maihahayag din ninyo ito ng may pananampalataya na may pagtitiwala sa lahat ng mangyayari sa hinaharap. May pagtitiwala rin tayo na tayo ay makakasama sa mga maliligtas kung tayo ay gumagawa ng mabuti at ginagawa din natin ang ating tungkulin ukol sa pagpapakain ng ikalalakas ng pananampalataya din ng iba sa magagawa ng AMA.