Lunes, Setyembre 30, 2019

Ang walang taros na kasiyahan na gawa ng sanlibutan




Nasa dulo na tayo ng yugto ng ating panahon at lahat tayo ay pinaghahanda na. Lahat ng tanda ay natutupad na at malapit nang maganap ang matinding kawasakan sa mundo. Ano ang pipiliin mo? Magpakabuti o magpakasama? Kaya nga natin pinili ang maging bahagi ng katawan ng ating Panginoong JesuCristo dahil alam natin na narito ang tamang kautusan at dito maituturo sa atin ang katotohanan sa ikaliligtas. Tayo ang nangunguna sa kaligtasan. Alam natin ang kahahantungan ng hindi susunod sa utos ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong JesuCristo. 


Pahayag 22
10Sinabi pa niya sa akin, “Huwag mong ililihim ang mga propesiya sa aklat na ito, dahil malapit na itong matupad. 11Ang masama ay magpapakasama pa, at ang marumi ay magpapakarumi pa. Pero ang matuwid ay magpapakatuwid pa, at ang banal ay magpapakabanal pa.”

1 Pedro 1:16 RTPV05
sapagkat nasusulat, “Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal.”

----------------

Ang kamunduhan - Pagnanasa sa nakikita ng mata ay hindi mula sa Ama

1 Juan 2
15Huwag ninyong ibigin ang mundo o ang mga makamundong bagay. Ang umiibig sa mga ito ay hindi umiibig sa Ama. 16Sapagkat ang lahat ng kamunduhan – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.

Huwag makiayon sa takbo ng sanlibutan


Mga Taga-Roma 12:2 MBB05
Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.


Huwag makipagkaisa sa mga di sumasampalataya


2 Mga Taga-Corinto 6:14-15 RTPV05
Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? Maaari bang magkasundo si Cristo at si Belial? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di sumasampalataya?

Walang taros na pagsasaya..

Galacia 5
19 At ang mga gawa ng laman ay hayag,+ at ang mga ito ay pakikiapid,+ karumihan, mahalay na paggawi,+ 20 idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo,+ mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, 21 mga inggitan, mga paglalasingan,+ mga walang-taros na pagsasayaat mga bagay na tulad ng mga ito. Tungkol sa mga bagay na ito ay patiuna ko kayong binababalaan, kung paanong patiuna ko kayong binabalaan, na yaong mga nagsasagawa+ ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.+