Kapag nakakain tayo ng masarap at
masustansyang pagkain ay gumaganda ang ating pakiramdam. Nakakamit natin ang
kasiyahan at nararamdaman natin ang kalakasan ng ating katawang laman. Gayundin
naman sa ating kaluluwa, madarama natin ang kakaibang pakiramdam, sumisigla ang
ating puso't isipan at nagkakaroon tayo ng kalakasan kapag natagpuan natin ang
mga katotohanan na ngayon lang natin nauunawaan. Ang kalakasang nakukuha natin
sa mga katotohanang iyan ay ang higit na pagtaas ng uri ng ating
pananampalataya sa mga Salita ng ating Dios kaysa noong una. Mas lumalalim ang
nauunawaan natin tungkol sa Kanya at mas tumitindi ang PAGKAKILALA NATIN SA
KANYA na totoo Siya at napabilang talaga tayo sa bayan Niya na itinatag mula pa
noong una.
Efeso 1 RTPV05
17Hinihiling ko sa Diyos ng ating
Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na IPAGKALOOB NIYA SA INYO ANG
ESPIRITU NA NAGBIBIGAY NG KARUNUNGAN AT NAGPAPAHAYAG TUNGKOL SA DIYOS UPANG
LUBOS NINYO SIYANG MAKILALA.
Sa pamamagitan ng karunungang mula sa
Panginoong Dios ay NAIWAWANGIS natin ang katotohanang naisulat na noon sa mga
unang bayan ng Dios sa mga pangyayari sa bayan ng Dios ngayon. Nakikita natin
ang daan na dapat nating tawirin, tulad sa nilakaran ng mga tao ng Dios noon na
tunay na sumampalataya sa Kanyang mga Salita. Alam nating paulit-ulit lang ang
mga pangyayari sa iba't ibang panahon sa bayan ng Dios noon. May mga lumakad sa
pagiging suwail at nasa ng laman, at may mga lumakad naman noon sa kabanalan
ayon sa mga ipinag-uutos ng Panginoong Dios. Kapag nababasa natin ang buong
katotohanan ay nagiging pagkain ito ng ating kaluluwa. Lumilinaw ang ating mga
mata at isipan at ito ang nagiging patnubay ng Dios sa atin para malakaran
natin ang daan ng mga tao ng Dios na lumakad sa Kanyang mga katuwiran noong
una. Nararamdaman natin ang kakaibang kaloob sa pagkaunawa kapag ikaw ang isa
sa pinili ng Dios simula pa noong una. Alalahanin natin na maraming tinatawag
subalit kakaunti ang pinipili. Marami ding tinawag sa bayan ng Dios noon
subalit kakaunti ang mga pinili Niya upang maligtas. Ang mga kakaunting pinili
mula sa mga tinawag Niya noon ay ang mga nakaligtas sa mga kawasakang naganap
sa panahon na iyon.
Mateo 22:14 MBB05
Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus,
“MARAMI ANG TINATAWAG, NGUNIT KAKAUNTI ANG PINILI.”
Isaias 10 RTPV05
22sapagkat kung SINDAMI MAN NG
BUHANGIN SA DAGAT ANG MGA ISRAELITA, IILAN LAMANG ANG MAKAKABALIK. NAKATAKDA NA
ANG PAGWASAK sa iyo ayon sa nararapat.
Ang mga pinipili ng Panginoong Dios
ay nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam at tamang pagkaunawa kapag naihahayag sa
kanila ang mga katotohanan. Lumalawak ang kanilang kaalaman at lalong lumilinaw
sa kanilang paningin ang buong katotohanan sa kaganapan ng panahon. Ito ang
katibayan na sumasakanila ang Espiritu ng Katotohanang mula sa Panginoong Dios
na nagpapatunay na nasa kanila ang TATAK ng pagkahirang sa kanila sa
ikaliligtas.
Efeso 1 RTPV05
13Kayo man ay naging bayan ng Diyos
matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang MAGANDANG BALITA NA
NAGDUDULOT NG KALIGTASAN. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't IPINAGKALOOB SA
INYO ANG ESPIRITU SANTO NA IPINANGAKO NG DIYOS BILANG TATAK NG PAGKAHIRANG SA
INYO. 14ANG ESPIRITU ANG KATIBAYAN NA MAKAKAMIT NATIN ANG MGA PANGAKO NG DIYOS
PARA SA ATIN, HANGGANG SA MAKAMTAN NATIN ANG LUBOS NA KALIGTASAN. Purihin natin
ang kanyang kaluwalhatian!
Ang mga natatakan ng mga Salita ng
Panginoong Diyos sa pamamagitan ng Banal na Espiritung isinugo ng Panginoong
JesuCristo ay ang mga makakaligtas sa takdang kaganapan sa panahon ng pag-aani.
Ezekiel 9 ASND
4at sinabi sa kanya, “Libutin mo ang
buong lungsod ng Jerusalem at TATAKAN MO ANG NOO ng mga taong nagdadalamhati
dahil sa mga kasuklam-suklam na mga ginagawa roon.”
5At narinig ko ring sinabi ng Dios sa
iba, “Sundan ninyo siya sa lungsod at PATAYIN ANG MGA WALANG TATAK SA NOO.
HUWAG KAYONG MAAWA SA KANILA. 6Patayin ninyo ang matatanda, mga binataʼt
dalaga, mga ina at mga bata, pero HUWAG NINYONG PATAYIN ANG MGA MAY TATAK SA
NOO. Magsimula kayo sa aking templo.” Kaya una nilang pinatay ang mga tagapamahala
na nasa harapan ng templo.
Ang tamang pagkaunawa sa mga
katotohanang mula sa Panginoong Dios ay mula sa gabay ng Banal na Espiritu na
isinugo ng Panginoong JesuCristo sa ating mga puso, at ito ang nagtuturo sa
atin ng katotohanan ukol sa Magandang Balita sa ikaliligtas.
Juan 16 ASND
12“Marami pa sana akong sasabihin sa
inyo, pero hindi nʼyo pa kayang intindihin sa ngayon. 13Pero PAGDATING NG BANAL
NA ESPIRITU NA SIYANG TAGAPAGTURO NG KATOTOHANAN, TUTULUNGAN NIYA KAYO PARA
MAINTINDIHAN N'YO ANG LAHAT NG KATOTOHANAN. . Ang ituturo niya ay hindi galing
sa kanya; sasabihin niya kung ano lang ang narinig niya at ipapahayag din niya
sa inyo ang tungkol sa mga bagay na darating.
Mananahan ang Banal na Espiritu na
mula sa Panginoong JesuCristo sa mga tapat na sumusunod sa mga utos ng Dios. Sila
ang mga tunay na nakakaunawa ng mga katotohanang ipinararating ng Ama sa
Kanyang bayan. Kung paanong nabuhay maguli ang Panginoon ay ganun din ang mga
tunay na lingkod, mabubuhay silang kasama ng Panginoon na taglay ang
kapangyarihan at kalakasang mula sa Panginoong Dios. Ang mga tunay na
nakakaunawa ay hindi mag-iisa at lagi nilang kasama ang Amang Dios at
Panginoong JesuCristo sa kanilang mga puso, at sila ang mga tunay na
nakakakilala sa Amang Dios.
Juan 14 ASND
15“KUNG MAHAL N'YO AKO, SUSUNDIN N'YO
ANG AKING MGA UTOS. 16At hihilingin ko sa Ama na BIGYAN NIYA KAYO NG ISANG
TAGATULONG na SASAINYO MAGPAKAILANMAN. 17SIYA ANG BANAL NA ESPIRITU NA
TAGAPAGTURO NGKATOTOHANAN. Hindi siya matanggap ng mga taong makamundo dahil
hindi siya nakikita o nakikilala ng mga ito. Pero KILALA N'YO SIYA, DAHIL
KASAMA N'YO SIYA AT SASAINYO MAGPAKAILANMAN.
18“HINDI KO KAYO IIWAN NA WALANG
KASAMA; BABALIK AKO SA INYO. 19Kaunting panahon na lang at HINDI NA AKO
MAKIKITA NG MGA TAO SA MUNDO, PERO MAKIKITA N'YO AKO. At DAHIL BUHAY AKO,
MABUBUHAY DIN KAYO. 20Sa araw na iyon, malalaman ninyo na ako nga ay nasa aking
Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay nasa inyo.
23Sumagot si Jesus, “Ang nagmamahal
sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami
sa kanya.
Ang kabilang sa katawan ng Panginoon
na pinananahanan ng Banal na Espiritu ay nagsisikap na makatulong sa kapwa niya
mananampalataya. Iba't ibang kaloob ang ipinagkaloob sa bawat isa. Mayroong may
kakayahang makapagpahayag ng mga Salita ng Dios at mayroon namang may
kakayahang makaunawa. Ang iba ay binigyan ng kakayahang makakilala kung ang
inihahayag ng isang tao ay mula sa Banal na Espiritu o kaya sa masamang
espiritu. Marami pang kaloob na ibinigay ang Panginoong Dios sa mga tunay na anak
Niya, mababasa ito sa 1 Corinto 12:7-11 (ASND). Nasa mga tunay na anak ng Dios
ang kaloob ng Banal na Espiritu ng katotohanan. Nakakaunawa sila sapagkat nasa
kanila ang kaisipan ng Panginooong Dios.
1 Corinto 2 ASND
10Ngunit ang mga bagay na itoʼy ipinahayag
na sa atin ng Dios sa pamamagitan ng KANYANG ESPIRITU. Sapagkat ang lahat ng
bagay ay nalalaman ng Espiritu, maging ang MGA MALALALIM NA KAISIPAN NG DIOS.
11Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang
sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Dios
maliban sa kanyang Espiritu. 12At ANG ESPIRITU NA ITO NG DIOS ANG TINANGGAP
NATING MGA MANANAMPALATAYA, hindi ang espiritu ng mundong ito, upang maunawaan
natin ang mga pagpapalang ibinigay sa atin ng Dios.
Kaya nga kung nasa atin ang Banal na
Espiritu na isinusugo ng Panginoong Dios ay makikilala natin ang mga tunay at
hindi tunay na pinagkalooban ng ganitong kaloob. Ang mga tunay ay nakakaunawa
sa mga malalalim na lihim ng Dios at ang mga hindi tunay ay itinatakwil ito
sapagkat hindi nila ito nauunawaan.
1 Corinto 2 ASND
14Ngunit SA TAONG HINDI PINANANAHANAN
NG ESPIRITU NG DIOS, HINDI NIYA TINATANGGAP ANG MGA ARAL MULA SA ESPIRITU,
dahil PARA SA KANYA ITO'Y KAMANGMANGAN. At HINDI NIYA ITO NAUUNAWAAN, DAHIL ANG
MGA BAGAY NA ITO'Y MAUUNAWAAN LAMANG SA TULONG NG ESPIRITU. 15SA TAONG
PINANANAHANAN NG ESPIRITU, NAUUNAWAAN NIYA ANG MGA BAGAY NA ITO, NGUNIT HINDI
NAMAN SIYA MAUNAWAAN NG MGA TAO NA HINDI PINANANAHANAN NG ESPIRITU NG DIOS.
16Ayon nga sa sinasabi ng Kasulatan,
“Sino ba ang nakakaalam ng isip ng
Panginoon?
Sino ba ang makakapagpayo sa kanya?”
NGUNIT TAYO, TAGLAY NATIN ANG
PAG-IISIP NI CRISTO, KAYA NAKAKAUNAWA TAYO.
Makikilala mo ang mga hindi
pinapanahanan ng Espiritu ng Dios sa pamamagitan ng kanilang kilos at gawa.
Isaias 30 RTPV05
8Halika, at ISULAT MO SA ISANG AKLAT,
KUNG ANONG URI NG MGA TAO SILA;
upang maging tagapagpaalala
magpakailanman,
kung gaano kalaki ang kanilang
kasalanan.
9Sapagkat SILA'Y MAPAGHIMAGSIK LABAN
SA DIYOS, SINUNGALING AT AYAW MAKINIG SA ARAL NI YAHWEH.
10Sinasabi nila sa mga
tagapaglingkod, “HUWAG KAYONG MAGSASABI NG KATOTOHANAN.”
At sa mga propeta, “HUWAG KAYONG
MAGPAPAHAYAG NG TAMA. MGA SALITANG MAGANDA SA AMING PANDINIG ANG INYONG
BANGGITIN SA AMIN, at ang mga hulang hindi matutupad.
11UMALIS KAYO SA AMING DARAANAN,
at ang tungkol sa Banal na Diyos ng
Israel ay AYAW NA NAMING MAPAKINGGAN.”
Mga sinungaling sila at gumagawa ng
sari-saring kwento na walang kinalaman sa mga inihahayag dito.Itinatakwil nila
ang nakasulat at nais pa nilang guluhin ang kaisipan ng mga nagbabasang kapatid
upang mailayo sila sa dalisay na katotohanang makakapagligtas din sana sa
kanila sa takdang kaganapan. Nagpapatunay lang na hindi sila mga tunay na anak
ng Panginoong Dios sapagkat nagpapagamit sila kay satanas upang mahadlangan ang
katotohanan ukol sa ikaliligtas ng nakararami. Paano sila makakatawag ng
"Ama" sa Panginoong Dios kung sila mismo ay hindi kumikilala sa Salita
ng Dios? Sapagkat nasa puso ng mga tunay na anak ng Dios ang Banal na Espiritu
ng Katotohanan at wala sa mga nagtatakwil sa mga katotohanang mula sa
Panginoong Dios.
Roma 8 ASND
14ANG MGA TAONG PINAPATNUBAYAN NG
ESPIRITU NG DIOS AY MGA ANAK NG DIOS. 15At ang Espiritu na tinanggap ninyo ay
hindi kayo inalipin upang muling matakot, sa halip GINAWA KAYONG MGA ANAK NG
DIOS. Ngayon, SA PAMAMAGITAN NG BANAL NA ESPIRITU, MATATAWAG NA NINYONG
"AMA" ANG DIOS. 16Ang Banal na Espiritu at ang ating espiritu ay parehong
nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Dios. 17At bilang mga anak, mga tagapagmana
tayo ng Dios at kasama ni Cristo na magmamana ng mga pagpapalang inilaan niya.
Sapagkat kung magtitiis tayo kagaya ni Cristo noon, darating ang araw na
pararangalan din tayong kasama niya.
Hindi galit at kasinungalingan ang
nananahan sa puso ng mga pinananahanan ng Banal na Espiritu ng katotohanan. Ang
tubig na nagbibigay buhay ang nananahan sa puso ng mga tunay na anak ng Dios.
Sila ang mga lumalapit sa Salita ng Panginoon.
Juan 7 ASND
37Nang dumating ang huli at
pinakamahalagang araw ng pista, tumayo si Jesus at sinabi nang malakas, “ANG
SINUMANG NAUUHAW AY LUMAPIT SA AKIN AT UMINOM. 38Sapagkat sinasabi sa Kasulatan
na DADALOY ANG TUBIG NA NAGBIBIGAY-BUHAY MULA SA PUSO NG SUMASAMPALATAYA SA
AKIN.” 39(ANG TUBIG NA TINUTUKOY NI JESUS AY ANG BANAL NA ESPIRITU na malapit
nang tanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Hindi pa naipagkakaloob ang
Banal na Espiritu nang panahong iyon dahil hindi pa nakabalik sa langit si
Jesus.)
Ang mga tunay na anak ng Dios ay
naglilingkod para sa ikaliligtas ng marami at hindi nila inililihim ang mga
katotohanang kaloob sa kanila ng Panginoong Dios.
Mga Awit 40:10 MB
Ang PAGLILIGTAS mo'y IPINAGSASABI ,
DI KO INILIHIM , HINDI KO SINARILI ; PATI PAGTULONG MO'T PAG-IBIG NA TAPAT , sa
mga lingkod mo'y ISINISIWALAT.
At kung mula sa iyong pagbabasa ay
naramdaman mo na ang Banal na Espiritu sa iyong puso sapagkat nahayag sa iyo
ang katotohanan ay huwag mo na itong pakawalan. Ibig lang sabihin ay ipinarinig
na sa iyo ng Ama ang Kanyang tinig. Magpatuloy ka lang at huwag itong
tatalikuran, sapagkat ang katotohanan ang ating ikalalakas at ikatatatag
pagdating ng araw ng matinding pagdadalisay ng Panginoong Dios sa Kanyang
bayan.
Hebreo 3 RTPV05
15Ito nga ang sinasabi sa kasulatan,
“KAPAG NARINIG NINYO NGAYON ANG TINIG
NG DIYOS,
IYANG INYONG PUSO'Y HUWAG PATIGASIN,
tulad noong kayo'y maghimagsik sa
Diyos.”
Kung narinig mo na ang tinig ng Dios
at iyo itong tinalikuran ay hindi tayo kalulugdan ng Panginoong Dios.
Hebreo 10
38Ang matuwid kong lingkod ay
mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,
ngunit KUNG SIYA'Y TATALIKOD, HINDI
KO SIYA KALULUGDAN
Walang sinuman sa atin ang nagnanais
na talikuran siya ng Panginoong Dios. Kaya sikapin natin na maunawaan ang
Kanyang mga katotohanan sa huling panahon upang manahan sa ating puso ang Banal
na Espiritung isinusugo Niya na magdadala sa atin sa tiyak na kaligtasan
pagdating ng araw.