Biyernes, Setyembre 27, 2019

Juan 10:9 - Papasok at lalabas, at makakasumpong ng pastulan



Matagal ng pinagtatalunan kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng Panginoong JesuCristo sa kanyang patalinhagang salita sa talatang Juan 10:9 na "Papasok at lalabas at makakasumpong ng pastulan". Ang sagot ng iba ay lumabas daw sa Iglesia at ang iba naman ay makakasumpong ng pastulan kapag pumasok ka at pagkatapos kapag namatay ka ay lalabas ka ng libingan at makakasumpong ng pastulan. Hindi nagkakaisa ng palagay sapagkat hindi nasuring mainam. Ganyan din ang pangyayari sa bayan ng Diyos noon.


Juan 10
19Dahil sa mga pananalitang ito, hindi na naman nagkaisa ng palagay ang mga Judio.


Hindi rin nagkaisa ang mga hudyo na bayan ng Diyos noon sa kanilang paniniwala. Litong lito sila sa patalinhang salita ng Panginoong JesuCristo tulad sa pagkalito ng nakararami ngayon. Iyan ang dahilan kaya tuwing babasahin sa atin ang talata sa Juan 10:9 ay pinuputol nalang at hindi na idinudugtong ang katagang..."Papasok at lalabas", marahil para hindi na magkaroon pa ng isipin ang mga kapatid sa panahon ng pagtuturo ukol diyan dahil iba naman ang pinatutungkulan ng leksyon, bagama't bawal sa nasusulat ang pagputol o pag alis ng mga nakasulat (Pahayag 22:19) sapagkat katumbas ito ng pagkakait sa mga kapatid ng dapat pang kainin ng kanilang kaluluwa. Kaya mas mainam na saliksikin natin ang kasagutan sa pamamagitan din ng mga pahayag ng Panginoon at sa iba pang nakasulat sa Banal na Kasulatan upang maihayag sa atin ang lahat ng katotohanan.


Ang binabanggit na talata..

Juan 10:9 (Ang Biblia)
9Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas, at papasok at lalabas, at makasusumpong ng pastulan.


Ngayon ay suriin natin ang bawat detalye sa pahayag na iyan at kumuha ng pagwawangis na turo sa Banal na Kasulatan. Alalahanin natin ang turo sa atin mula pa noong una..."“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iwinawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.” (I Cor. 2:13). Itinuro sa atin sa pamamagitan ng talatang iyan na sasaliksikin natin ang nakasulat sa pamamagitan ng "Pagwawangis" sa nakasulat at hindi nababatay sa salitang turo o karunungan lang ng tao.


Suriin natin ang talata sa ibang salin sa ingles at ibang salin ng tagalog.


John 10:9 New Living Translation
Yes, I AM THE GATE. Those who come in THROUGH ME will be saved. THEY COME AND GO FREELY and will find GOOD PASTURES.


Juan 10 (Ang Salita ng Dios)
9AKO ANG PINTUAN. Ang sinumang pumasok SA PAMAMAGITAN KO ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na MALAYANG NAKAKAPASOK AT NAKAKALABAS NG KULUNGAN, at makakatagpo siya ng PASTULAN.


Sa pamamagitan ng pagsasaliksik natin sa iba pang salin ay nakuha natin ang pinakamahalagang mga detalye..."Ang pumasok sa PAMAMAGITAN KO" at ang "MALAYANG NAKAKAPASOK AT NAKAKALABAS", sa ingles ay "THROUGH ME" at "THEY COME AND GO FREELY". Wala iyang mga pahayag na iyan sa salin ng "Ang Biblia". Para sa atin ay ang mga inihayag nating dalawang talata na iyan sa tagalog at saling Ingles ay pinakamainam na salin para sa Juan 10:9 sapagkat kung paniniwalaan natin ang mga pahayag ng ilan na lalabas daw sa Iglesia ay mali sapagkat hindi ugali ng isang mabuting kristiyano na tila pinaglalaruan niya ang kanyang pananampalataya at turo ng Panginoong JesuCristo na lalabas ka sa kanyang katawan? Sapagkat ang pagpasok sa katawan ng Panginoon ay ibinibilang mo ang sarili mo na maisangkap ka para maging banal tulad sa nakasulat sa 1 Pedro 1:15-16 sapagkat ang Panginoon ay Banal. Hindi kabanalan na itakwil mo ang katawang banal ng ating Panginoong JesuCristo. Hindi rin natin maaring paniwalaan ang turo na ang paglabas na tinutukoy dun sa talata ay "Paglabas sa libingan", ibig bang sabihin malaya kang nakakapasok at nakakalabas ng libingan? Labas masok ka sa libingan? Ang tinutukoy sa talata na papasukan at lalabasan ay "KULUNGAN" at hindi libingan. Ano ba ang ibig sabihin ng "Kulungan" kung pagbabasehan mo ang nakasulat sa Banal na Kasulatan? Unawain natin...


Galacia 3
23Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y IKINULONG SA KAUTUSAN hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag.


Naihayag sa atin.."Kautusan" ang katumbas ng salitang "Kulungan".


Ang maraming kinapapalooban ng salitang "Kautusan"...


Kautusan - law; the law; laws; law to; a law; decree; rule; ORDER; charge; MANNER; judgment;. May be synonymous with: Tagalog, English. tuntunin. rule
https://www.tagalogtranslate.com/tl_en/8608/kautusan


Batay sa ating nabasa nakapaloob diyan ay batas, ang tuntunin, ang utos na umiiral na nakasulat.Kung mapapansin ninyo ay nakahalo din sa synonyms ng word na "Kautusan" ang "ORDER" at "MANNER". Kung titignan mo ang ibig sabihin sa diksyunaryo ng word na ORDER AT MANNER ay ganito ang ating mababasa...


Order: an authoritative command, direction, or instruction.


Manner: a person's outward bearing or way of behaving toward others.
a way in which a thing is done or happens.
synonyms: way, fashion, mode, means, method, system, style, approach, technique, procedure, process, methodology, modus operandi, form, routine, practice
Synonyms: demeanor, air, aspect, attitude, appearance, look, bearing, cast, deportment, behavior, conduct; More


Mula sa nabasa natin ay nakapaloob diyan sa word na "Kautusan" ang pag-uutos na mula sa tao mismo, direktiba hindi lang sa literal na batas na umiiral o tuntunin na mula sa nakasulat. Maraming instruksiyon na pwedeng umiral at nakakaimpluwensya din ang ikinikilos o iginagawi ng nag-uutos mismo. Mayroon ding Good Manner at may Bad Manner. Kaya mauunawaan natin na sa "Kulungan" o "Kautusan" kung saan nakakulong ang mga tagasunod ay may pag-uutos at pagpapakita ng ikinikilos narin ng taong nag uutos na nakakaimpluwensya ng mga tagasunod.


Alalahanin natin na may mga importanteng detalye na dapat tandaan sa mga pahayag ng Panginoon...


(PINTUAN, PAMAMAGITAN, KULUNGAN)
May pintuan na papasukan para makapasok sa loob ng kulungan.


Juan 10 (Ang Salita ng Dios)
7Kaya muling sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, AKO ANG PINTUAN NA DINADAANAN NG MGA TUPA. 8May mga tagapagturo na nauna sa akin, na ang katulad ay mga magnanakaw at mga tulisan. Ngunit hindi sila pinakinggan ng aking mga tupa.9AKO ANG PINTUAN. Ang sinumang pumasok SA PAMAMAGITAN KO ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na MALAYANG NAKAKAPASOK AT NAKAKALABAS NG KULUNGAN, at makakatagpo siya ng PASTULAN.


Repasuhin natin pati ang mga patotoong talata...


ANG PINTUANG DINADAANAN - Panginoong JesuCristo (Juan 10:7)

NAMAMAGITAN - Panginoong JesuCristo (Juan 10:9)


KULUNGAN - Kautusan sa bayan ng Diyos (Galacia 3:23)


Ang iba pang sinasalamin ng Panginoong JesuCristo


Ang Panginoong JesuCristo ay sumasalamin sa "Salita" ng Panginoong Diyos (Juan 1:1-18) na siya ring sumasalamin sa "Pintuan"(Juan 10:7) na dadaanan papasok sa "kulungan o kautusang" pinaiiral sa bayan ng Diyos(Galacia 3:23). Ibig lang sabihin ay babatayan mo ang salita o turo ng Panginoong JesuCristo kung susunod ka sa ipinag-uutos sa iyo. Ang Panginoong JesuCristo ay ang tagapamagitan, kaya nga ang pahayag niya sa Juan 10:9 ay "Ang sinumang pumasok sa PAMAMAGITAN KO ay maliligtas". Kaya ang ikaliligtas ay yung lagi mong babatayan ang utos ng Panginoon sa pagsunod mo sa utos na umiiral. Kung hindi na umaayon sa utos ng Panginoong JesuCristo ay hindi ito dapat sundin ng tunay na tupa na dumirinig ng kanyang tinig.


Juan 10 (MBB)
5Hindi sila sumusunod sa iba, kundi patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba.”


Ang tinig lang ng Panginoon ang dapat sundin sapagkat makakarating lamang tayo sa Amang Banal kung ang dadaanan natin ay ang katotohanan na mula sa Panginoon.


Juan 14:6, 15
6Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
15“KUNG MAHAL N'YO AKO, SUSUNDIN N'YO ANG AKING MGA UTOS.


Kaya nga makakatagpo ng mabuting pastulan ang isang tupa tulad sa nakasulat sa Juan 10:9 kung sumusunod sa tinig ng Panginoon sapagkat papatnubayan siya sa TAMANG DAAN at nagkakaroon ng kapahingahan ang kaniyang kaluluwa. Nakakainom siya ng malinis na tubig at nakakakain siya ng sariwang damo, sapagkat nailalabas siya sa kulungan at dinadala sa masaganang damuhan at tahimik na batisan at nagkakaroon siya ng kalakasan.


Salmo 23
1Ang PANGINOON ang aking pastol,
hindi ako magkukulang ng anuman.
2 Tulad ng tupa, pinagpapahinga niya ako sa masaganang damuhan,
patungo sa tahimik na batisan akoʼy kanyang inaakay.
3Panibagong kalakasan akoʼy kanyang binibigyan.
Pinapatnubayan niya ako sa TAMANG DAAN,
upang siyaʼy aking maparangalan.


..............


Ang ginawang tagapamagitan ng Diyos sa pagsunod ng tao sa tuntuning umiiral sa bayan ng Diyos ay ang Panginoong JesuCristo, at ang tunay na pastol sa bayan ng Diyos ay sa pintuan dumaraan o sa katotohanang itinuturo ng Panginoon.


Juan 10
2Ngunit ANG DUMADAAN SA PINTUAN ay ang pastol ng mga tupa.


At kung iba ang dinaraanan ng isang tao ay ano ang tawag sa kanya ng Panginoon?


Juan 10
1 Nagsalita si Jesus sa pamamagitan ng paghahalintulad. Sinabi niya, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa NANG HINDI DUMADAAN SA PINTUAN, kundi umaakyat sa pader ay MAGNANAKAW AT TULISAN.


Sila ang hindi dinirinig ang tinig dahil iba ang tinig nila sa tinig ng tunay na pastol


Juan 10
8May mga tagapagturo na nauna sa akin, na ang katulad ay mga magnanakaw at mga tulisan. Ngunit hindi sila pinakinggan ng aking mga tupa


Kaya ang tamang pagkaunawa sa pahayag ng Panginoon ay malaya kang nakakapasok at nakakalabas ng kulungan o malaya kang nakakasunod at hindi sa ipinag-uutos dahil ang babatayan mo ay ang turo ng Panginoon kung ito ay tama. Bago ka makarating sa loob ng kulungan ay dadaanan mo muna ang pinto na ang sumasalamin ay ang katotohanang turo ng Panginoon sa ikababanal.


Juan 10 (Ang Salita ng Dios)
9AKO ANG PINTUAN. Ang sinumang pumasok SA PAMAMAGITAN KO ay maliligtas. Magiging katulad siya ng tupa na MALAYANG NAKAKAPASOK AT NAKAKALABAS NG KULUNGAN, at makakatagpo siya ng PASTULAN.


KULUNGAN - Kautusan sa bayan ng Diyos (Galacia 3:23)


Kautusan - law; the law; laws; law to; a law; decree; rule; ORDER; charge; MANNER; judgment;. May be synonymous with: Tagalog, English. tuntunin. rule
https://www.tagalogtranslate.com/tl_en/8608/kautusan


Order: an authoritative command, direction, or instruction.


Manner: a person's outward bearing or way of behaving toward others.


Kaya ang tunay na tupa ay hindi paiimpluwensya sa maling pasunod at hindi rin magandang naiimpluwensyahan ang isang tagasunod sa ikinikilos na mali ng kanyang sinusunod. Tulad ng naging pahayag ng Panginoon sa kanyang mga alagad noon tungkol sa mga tagapagturo ng kautusan sa bayan ng Diyos noon...


Mateo 23
2Sinabi niya, “Ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. 3Kaya DAPAT NINYONG PAKINGGAN AT SUNDIN ANG LAHAT NG ITINUTURO NILA sa inyo. Pero HUWAG NINYONG GAYAHIN ANG MGA GINAGAWA NILA dahil hindi nila ginagawa ang mga itinuturo nila.


Dapat lamang na pakinggan at sundin ang mga itinuturo na galing sa Banal na Kasulatan. Papasukan mo ang tamang pagpapasunod at lalabas ka sa kamalian at halimbawang umiiral. Yan ang ipinauunawa ng Panginoon sa pamamagitan ng talinhaga. Kailangan lamang itong saliksikin, pag aralan at sundin ang katotohanan nang sa gayon ay makatagpo ka ng mabuting pastulan na ikapagtatamo ng kapahingahan ng kaluluwa. (Juan 10:9)