Ang Panginoong JesuCristo ay ang "Nag-iisang Tagapamagitan" na sumasalamin sa "Salita" ng Panginoong Diyos, at walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan lamang niya, sapagkat ang tanging saligan ng katotohanan ay ang "Banal na Kasulatan".At iniaral ni Apostol Pablo na hindi dapat tayo humigit sa isinasaad sa nakasulat. Nawawalan ng kabuluhan ang pagsamba ng tao sa Panginoong Diyos kung ang sinusunod nila ay ang katuruan nalang ng tao at hindi na nababatay sa Banal na Kasulatan. Sapagkat ang "Salita" sa Banal na Kasulatan ay sumasalamin sa Panginoong JesuCristo na siyang tanging "Tagapamagitan" sa Diyos at sa tao.