Huwebes, Setyembre 26, 2019

Hindi ka maaaring italikod ninuman



Hindi ka maaring italikod ninuman sa lahat ng katotohanang natutunan mo kung tumimo ito sa iyong puso at ganap mong nasusunod at sinasampalatayanan, sapagkat ang tunay na sinusunod natin ay ang mga kautusan ng ating Panginoong Diyos at hindi ng kaninuman.


Pahayag 3
8Nalalaman ko ang mga ginagawa mo. Alam kong mahina ka ngunit sinusunod mo ang aking salita, at naging tapat ka sa akin. Kaya't binuksan ko para sa iyo ang isang pinto na hindi maisasara ninuman.


Sa pagtitiyaga natin sa pagsunod sa mga utos ng Panginoong Diyos anoman ang balakid at mga pagsubok na dumarating sa ating buhay ay ibibigay Niya ang nararapat na gantimpala sa panahong nalalapit na.


Pahayag 3
10Sapagkat nagtiyaga ka gaya ng iniuutos ko sa iyo, iingatan naman kita sa panahon ng pagsubok na darating sa lahat ng tao sa buong daigdig!


Ano nga ba ang malaking pagsubok na parating na sa lahat ng tao sa buong daigdig?


Kailangan ang paghahanda natin sapagkat nandirito na tayo sa dulo ng yugto ng ating panahon, at nakikita na natin ang lahat ng palatandaan na malapit na...