Alin ang bayan ng Diyos ngayon na
itinayo, kinilala, pinalawak ngunit dahil sa pagsuway ay ibabagsak? Subalit sa
takdang panahon ay muling ibabangon tulad ng anak na pinarusahan ng magulang at
muling kakalingain. At dahil sa pagsisisi at pagkakilala sa kamalian at muling
pagbabalik loob sa Amang Diyos ay gagantimpalaan at higit na kikilalanin ng
maraming bansa. Dahil sa lahat ng palatandaan na nasa kanya magaganap ang lahat
ng nakasulat ay matatanyag ito at mauunawaan ng lahat ng bansa na tunay nga…
ito nga ang bayan ng Diyos sa huling araw na ito.
Ang pagiging suwail at ang pagbagsak
Isaias 30:8-9, 12-14
8Halika, at isulat mo sa isang aklat,
kung anong uri ng mga tao sila;
upang maging tagapagpaalala
magpakailanman,
kung gaano kalaki ang kanilang kasalanan.
9Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban
sa Diyos,
sinungaling at ayaw makinig sa aral
ni Yahweh.
12Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos
ng Israel:
“Tinanggihan mo ang aking salita,
at sa pang-aapi at pandaraya ka
nagtiwala.
13Kaya darating sa iyo ang malagim na
wakas,
tulad ng pagguho ng isang marupok na
pader
na bigla na lamang babagsak.
14Madudurog kang parang palayok
na ibinagsak nang walang awa;
wala kahit isang pirasong malalagyan
ng apoy,
o pansalok man lamang ng tubig sa
balon.”
Ang pagsisisi, pagbabagong buhay at
pagkilala sa mga utos ng Diyos na tinalikuran
Isaias 1
27Maliligtas ang Zion sa pamamagitan
ng katarungan,
at kayong nagsisisi at
nagbabalik-loob.
28Mapupuksang lahat ang mga suwail at
makasalanan,
malilipol ang mga tumalikod kay
Yahweh.
Ang muling pagbangon
Isaias 60
1Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat
na tulad ng araw.
Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni
Yahweh.
Ang pagsaksi ng katotohanan sa mga
bansa ukol sa paghahari ng kapangyarihan ng Diyos at ng Panginoong
JesuCristo
Mateo 24
(Isinalin sa wikang tagalog) Young's
Literal Translation
Pagsaksi sa Lahat ng Bansa
9 At ibibigay ka nila sa kapighatian,
at papatayin ka, at ikaw ay kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking
pangalan; 10 At kung magkagayo'y marami ang mangatisod, at sila'y
mangagkakaloob sa isa't isa, at mangagtatanim sa isa't isa. 11 At maraming
bulaang propeta ay magsisibangon, at tatangayin ang maraming naliligaw; 12 At
dahil sa pag-aari ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay magiging
malamig; 13 Datapuwa't ang nagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas; 14 At ang
mabuting balitang ito ng paghahari ay ipahahayag sa buong sanglibutan, bilang
patotoo sa lahat ng mga bansa; at pagkatapos ay darating ang wakas
Ang pagtitipon sa lahat ng
sumasampalataya sa paghahari ng Panginoong Diyos at ng Panginoong JesuCristo
Isaias 60
2Mababalot ng kadiliman ang buong
daigdig;
ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh,
at mapupuspos ka ng kanyang
kaluwalhatian.
3Ang mga bansa ay lalapit sa iyong
liwanag,
ang mga hari ay pupunta sa ningning
ng iyong pagsikat.
4Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran,
ang lahat ay nagtitipun-tipon upang
magtungo sa iyo;
manggagaling sa malayo ang mga anak
mong lalaki;
ang mga anak mong babae'y kakargahing
parang mga bata.
Ang higit na pagkatanyag
Isaias 2
2Sa mga darating na araw,
ang bundok na kinatatayuan ng Templo
ni Yahweh
ang magiging pinakamataas sa lahat ng
bundok,
at mamumukod sa lahat ng burol,
daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
3Maraming tao ang darating at
sasabihin ang ganito:
“Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh,
sa Templo ng Diyos ni Jacob,
upang maituro niya sa atin ang
kanyang mga daan;
at matuto tayong lumakad sa kanyang
mga landas.
Sapagkat sa Zion magmumula ang
kautusan,
at sa Jerusalem, ang salita ni
Yahweh.”
4Siya ang mamamagitan sa mga bansa
at magpapairal ng katarungan sa lahat
ng mga tao;
kaya't gagawin na nilang araro ang
kanilang mga tabak,
at karit naman ang kanilang mga
sibat.
Mga bansa'y di na mag-aaway
at sa pakikidigma'y di na magsasanay.
5Halina kayo, sambahayan ni Jacob,
lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
Nandito na tayo sa huling panahon na
pinatotohanan ni Ka Erdy bago siya pumanaw...
Sa panahong MALAPIT NA MALAPIT NG
MAGHUKOM,darating ang matinding pag-uusig, hindi lamang sa labas kundi sa loob
ng Iglesia. MAYAYANIG ANG INYONG PANANAMPALATAYA. Dito tayo tinuturuan ng Ama
na manghawak sa Kanya. UUMANG ANG PAGTALIKOD, pero dahil ang Iglesia ay
matatag, ang mga kapatid ay MULAT SA TAMANG ARAL, hindi pagtatagumpayan ng
masama. Itutuwid ng Diyos ang lahat sa tamang panahon. ~Ka.EraƱo G. Manalo