Biyernes, Setyembre 27, 2019

Ang Tagapamagitan



Tama nga naman ang may akda ng larawan, maari kang makaconnect sa Panginoong Diyos sa pamamagitan lang ng salita ng Panginoong JesuCristo.

Ephesians 2:18
for through Him we both have our access in one Spirit to the Father.

John 14:6
Jesus said to him, "I am the way, and the truth, and the life; no one comes to the Father but through Me.
_________________________________________________

At kung tunay ka ngang nagsisikap na makaconnect sa Panginoong Diyos ay dapat nakikinig ka at nagsasagawa ng mga salita ng Panginoong JesuCristo na nakasulat sa Banal na kasulatan. Hindi sapat na dumadalo ka lang sa mga pagsamba, hindi sapat na naniniwala ka lang.

Lucas 6
46“Bakit ninyo ako tinatawag ng ‘Panginoon, Panginoon,’ gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?

Ang bawat isa sa atin ay hindi perpekto, subalit maari tayong magsikap na makasunod upang maging karapat-dapat.

Subalit paano mo masasabing nakakasunod ka kung lihis na sa mga turo ng Panginoon na nakasulat sa Banal na Kasulatan ang pinananaligan mo? Alam mo ang nakasulat... alam mo ang tama ngunit iba ang pinaniniwalaan mo, kaya naman iba na ang naisasabuhay mo. Tunay nga bang pananampalataya ang nasa iyo?

Mag-ingat...
Lucas 11
34Ang iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo.”

Base sa iyong pinaniniwalaan at naisasabuhay... ay mailalarawan mo ba ang iyong sarili na tanglaw sa harap ng iba?

Ano ang pipiliin mo para sa iyong sarili?

Pahayag 22
11Ang masama ay magpapakasama pa, at ang marumi ay magpapakarumi pa. Pero ang matuwid ay magpapakatuwid pa, at ang banal ay magpapakabanal pa.”12 Sinabi ng Panginoong Jesus, “Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya.

Mauunawaan natin mula sa talata kung tunay nga tayong nakakaconnect sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong JesuCristo.

Ang mga tunay na nakaconnect sa Panginoong Diyos ay tatanggap ng gantimpala sa takdang panahong nalalapit na.