Biyernes, Setyembre 27, 2019

Ang Susi ng katotohanan para sa ikapagiging handa bago ang parating na matinding kapighatian sa mundo, narito na!



Mapalad tayo na patuloy na nagbabasa, nagsusuri at nakikinig ukol sa mga nasusulat. Ito ang susi upang ganap tayong makapaghanda bago ang paparating na matinding kawasakan at kahirapan sa mundo. (Naihayag na sa ibang hanay sa page kung ano ang sinasalamin ng mundo)


Pahayag 1
3Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa propesiya nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat malapit na itong maganap.


Mauunawaan nga natin na malapit na ngang maganap ang pinakamatinding mga kaganapan kung makikita natin ang mga palatandaan pagkatapos nating magsuri at makita ang katotohanan na ipinahayag ng Panginoon sa mga huling araw na ito. Kung patuloy tayong magsusuri sa Banal na kasulatan at tinatanggap ito ng may kababaang loob ay maiingatan ang ating pananampalataya at higit pang madaragdagan ang ating pagkaunawa na tunay ang pagsusugo sa ating kapatid na Felix Manalo at ang Iglesia ni Cristo ang tunay na bayan ng Diyos sapagkat kung ano ang pangyayari sa mga unang bayan ng Panginoong Diyos noon ay gayundin ang pangyayari sa ating panahon- ang paglilinis. Pagdating ng araw ay mailalahad ang lahat ng katotohanan sapagkat tayong mga nakaunawa ang naging mga saksi sa lahat ng pangyayari sa ating panahon.


Kung mauunawaan na natin lahat ay magiging malaya na tayo sa pagkakagapos sa napakatinding kaabalahan sa mundong ito at siguradong ang nanaisin mo na lamang ay makapaglingkod sa Ama at patuloy na maging karapat-dapat habang nandito pa tayo na nabubuhay sa mundong ito. Kung ipagkikibit balikat mo naman ang lahat ng mga patotoo at nasusulat ay magiging kaawa-awa ka lamang kapag nangyari na ang nakatakda.


Daniel 12
10Marami sa mga nakakaunawa ng katotohanan ang lilinisin ang kanilang buhay, at mauunawaan nila ang mga sinasabi ko. Pero ang masasama ay patuloy na gagawa ng masama at hindi makakaunawa ng mga sinasabi ko.


Pahayag 22
11Ang masama ay magpapakasama pa, at ang marumi ay magpapakarumi pa. Pero ang matuwid ay magpapakatuwid pa, at ang banal ay magpapakabanal pa.”


Hayag na sa atin ang daan na dapat nating lakaran, kaya ang pagpapakatuwid at pagpapakabanal ang sikapin nating maisabuhay upang mahayag sa atin ang lahat ng katotohanan sa ikapagiging handa.


Ano nga ba ang palatandaan bago maganap ang binabanggit sa Biblia na napakatinding kahirapan na mararanasan sa mundo?


Ang tungkol sa dulo ng panahon ay inihula na dati pa sa aklat ng Daniel 12 at dito natin mapapatunayan ang ukol sa mga pahayag ng Panginoong JesuCristo sa Mateo at ang sumasalamin sa kanyang gawain sa huling panahon. Narito ang ilan sa mga mahahalagang palatandaang nakasulat sa Daniel 12


A. Darating ang dakilang anghel na si Miguel, ang makapangyarihang pinuno at tagapagtanggol ng bansang Israel. (Daniel 12:1 MBB)


B. Magkakaroon ng matinding kahirapang hindi pa nangyayari kailanman. (Daniel 12:1 MBB)


C. Maliligtas ang mga kababayan mong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng Diyos (Daniel 12:1 Ang Dating Biblia)


D. Isara ang aklat at huwag munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang katapusan. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.” (Daniel 12:4 Ang Salita ng Diyos)


E. May dalawang tao sa magkabilang pampang ng ilog at isang nakadamit puting lino na nasa ibabaw ng tubig (3 sila na nakikita ni Daniel). Ang isa sa kabila ng pampang ay nagtanong sa nakaputing lino na nasa ibabaw ng tubig (Daniel 12:5-6 Saling JW.org)


F. Ang tanong sa nakadamit lino na nasa ibabaw ng tubig “Gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitaing ito?”(Ito ang ukol sa pagdating ni Miguel at ang kahirapang di pa nangyayari kahit kailan) (Daniel 12:6 MBB)


G. Ang sagot ng nasa ibabaw ng tubig habang itinataas ang dalawang kamay sa langit ng may panunumpa na sa pangalan ng Diyos na nabubuhay magpakailanman, magaganap ang lahat ng ito sa loob ng tatlong taon at kalahati. Kapag natapos na ang paghihirap ng bayan ng Diyos.” (Daniel 12:7 MBB) Sa ibang salin sa JW.org ng Daniel 12:7 ay Kapag natapos na ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan,+ ang lahat ng bagay na ito ay darating sa kanilang katapusan.”


H. Ang kahulugan nito'y mananatiling lihim hanggang dumating ang wakas. Marami ang dadalisayin at mapapatunayang may malinis na kalooban. Ngunit magpapakasama pa ang masasama, at wala isa man sa kanila ang makakaunawa sa mga bagay na mauunawaan ng marurunong (Daniel 12:9-10 MBB)


Kung mapapansin ninyo ay gumamit tayo ng iba’t ibang salin sa bawat verses sa Daniel 12, iyan ay sa malalim na pagsusuri at pagwawangis sa mga hula ng Panginoong JesuCristo sa aklat ng Mateo. Ito ay para makuha natin ang tamang pagkaunawa sa nakasulat.


Iwangis natin ngayon ang pahayag ng Panginoon sa Mateo 24 sa Daniel 12


• Sa Mateo 24:30 –ang pagdating ng Panginoong JesuCristo at sa Daniel 12:1 naman ay ang pagdating ni Miguel Arkanghel


• Sa Mateo 24:21 –matinding kapighatian na hindi pa nangyayari kailanman at sa Daniel 12:1 ay matinding kahirapan na hindi pa nangyayari kailanman


• Sa Mateo 24:31 – titipunin ang mga hinirang sa lahat ng dako upang makaligtas at sa Daniel 12:1 MBB ay maliligtas ang mga nakasulat sa aklat ng buhay.


•Sa Mateo 24:3 TINANONG NG MGA ALAGAD ANG PANGINOON kung kailan mangyayari ang mga pahayag niya tungkol sa pagguho ng Templo at ang palatandaan ng muli niyang pagparito at sa Daniel 12:6 naman ay NAGTANONG ANG ISANG TAO NA NASA KABILA NG PAMPANG sa nakadamit lino na nakatayo sa ibabaw ng tubig kung gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitaing ukol sa pagdating ni Miguel at ang kahirapang di pa nangyayari kahit kailan”


Kung mapapansin ninyo ay sumasalamin ang gawain ng Panginoong JesuCristo kay Miguel Arkanghel. Pati ang mga inihula niya na mangyayari na nakasulat sa Mateo 24 ay ang inihula din ukol sa pagdating ni Miguel sa Daniel 12. Ang nakita ni Propeta Daniel na nakatayo sa ibabaw ng tubig na nakaputing lino noong panahong nakita niya sa pangitain si Miguel Arkanghel ay sumasalamin din sa nakita ng mga alagad noon na nakita nilang naglalakad sa ibabaw ng tubig ang Panginoong JesuCristo na nakasulat naman sa Mateo 14:25, Marcos 6:49 at Juan 6:19. Pati ang pagtatanong ng isa sa kabilang pampang sa Daniel 12 sa nakadamit lino na nasa ibabaw ng tubig ay sumasalamin din sa pagtatanong ng mga alagad sa Mateo 24:3 sa Panginoon ukol sa huling panahon. At alam nating ang Panginoong JesuCristo ang sumasalamin sa Salita ng Panginoong Diyos na nakasulat sa Juan 1:1-13 na pinananaligan naman ng mga tunay na sumasampalataya. Kaya naman magpahanggang sa panahong ito ay ang tanging saligan lamang natin ng lahat ng katotohanan ay ang mga nakasulat sa Banal na Kasulatan na iniaral ng ating Panginoong JesuCristo. Dito tayo nagbabatay sa mga salita niya na sinasalamin naman natin ang pananalig ng mga alagad noon sa Panginoong JEsuCristo sa lahat ng mga ipinapahayag niya. Hindi natin kailangang magtanong ng personal sa Panginoon sapagkat narito na ang lahat ng pahayag niya na kailangan lamang nating saliksikin.


1 Juan 2:27 (ASND)
Kung tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritu na tinanggap ninyo kay Cristo ay nananatili sa inyo, kaya hindi na kailangang turuan pa kayo ng iba. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang magtuturo sa inyo sa lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay katotohanan at hindi kasinungalingan. At gaya ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Cristo.


Balikan pa natin ang ukol sa iba pang pagwawangis..


Ang mga hindi pa natin naiwangis ay ang nakasulat sa Daniel 12:4 na ipinalilihim muna ang lahat hangga’t di pa dumarating ang katapusan, sapagkat sa aklat ng Apocalipsis/Pahayag 22:10 ang kaugnayan ng talata. Sa Apocalipsis/Pahayag 22:10 ay hindi na ito ipinalilihim sa panahong malapit na ang lahat ng kaganapan, ito na nga sa ating panahon ngayon na nasa dulo na ng panahon.


Mapapansin din natin na nung sumagot ang nasa ibabaw ng tubig sa Daniel 12 ay itinaas niya ang kanyang mga kamay ng may panunumpa sa langit na kahalintulad naman ng mababasa natin sa Pahayag 10:5-7 tungkol sa makapangyarihang anghel na bumababa mula sa langit na nagtaas din ng kanyang kamay na may panunumpa. Ang kanyang mukha ay nagniningning na parang araw tulad sa nakita sa mukha ng Panginoong Jesus ng kanyang mga alagad na naisulat sa Mateo 17:2. Kaya mauunawaan natin ang koneksyon ng mga talata at ang ukol sa gawain ng Panginoon. Noong tanungin ang nakadamit lino sa Daniel 12:7 kung gaano pa katagal bago maganap ang mga pangitain ukol sa Pagdating ni Miguel at ang pagkakaroon ng kahirapang di pa nangyayari kahit kailan ay sumagot siya na “Sa loob ng TATLONG TAON AT KALAHATI PAGKATAPOS NG PAGHIHIRAP NG BAYAN NG DIYOS sa MBB salin at sa JW.org na salin naman ay “KAPAG NATAPOS NA ANG PAGDUROG SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA BAYAN ang lahat ng bagay na ito ay DARATING SA KANILANG KATAPUSAN.” Mula diyan sa tugon ng nakadamit lino ay makakakuha tayo ng ilang clues o tanda upang maunawaan natin ang daan na ating tatahakin upang tayo ay makapaghanda. Hindi man natin alam ang takdang oras subalit ang mahalaga ay kapag nakita na natin ang lahat ay alam na nating malapit na ang lahat ng katuparan ng mga hula na nakasulat sa Daniel at sa Mateo 24 ukol sa pagdating ng Panginoon at ang kahirapang di pa nangyayari kahit kailan na magaganap sa loob ng tatlong taon at kalahati. Hindi na tayo mabibigla sa araw na iyon.


Clues: “KAPAG NATAPOS NA ANG PAGDUROG SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA BAYAN ang lahat ng bagay na ito ay DARATING SA KANILANG KATAPUSAN.”


1. Alin nga ba ang Banal na Bayan ngayon?
2. Ano ang tinutukoy na “Pagdurog ng kanilang kapangyarihan?”
3. Ano ang kanilang katapusan na binabanggit?


Para makuha natin ang sagot batay sa mga clues ay titignan muna natin kung ano ang termino na ginamit sa saling ingles ng Daniel 12 mula sa unang tanong. Sa saling New King James Version (NKJV) ng Daniel 12:7 When the power of the HOLY PEOPLE has been completely shattered. Sino nga ba ang tinatawag na HOLY PEOPLE?


Ang Biblia ang sasagot…


1 Peter 2:5, 9-10 Aramaic Bible in Plain English
5And YOU ALSO, AS LIVING STONES, be built up and BECOME SPIRITUAL TEMPLE and holy Priests to offer spiritual sacrifices acceptable before God by Yeshua The Messiah.
9But YOU ARE A CHOSEN RACE who serve as Priests for The Kingdom, A HOLY PEOPLE, a redeemed assembly; you should proclaim the praises of him who called you from darkness into his excellent light. 10You are those who at the first were not considered a people, but now are the people of God, neither were mercies upon you, but now mercies are poured out upon you.


Hindi man natin banggitin ang direktang kasagutan ngunit base sa nabasa ninyo ay tukoy na ninyo kung sino ang mga HOLY PEOPLE na binabanggit sa clues na dudurugin ang kapangyarihan. At para lalo pa nating matukoy ang ibig sabihin ng “PAGDUROG NG KAPANGYARIHAN NG BANAL NA BAYAN ay kunin natin ang clue diyan sa talata ukol sa tinutukoy na HOLY PEOPLE. Diyan mismo sa talata sa 1 Peter 2:5 na “YOU ALSO, AS LIVING STONES. BECOME SPIRITUAL TEMPLE”. Alalahanin ninyo na ang pinag uusapan natin dito ay ang ukol sa mga hula sa Mateo 24 at Daniel 12, kaya kukuha tayo ng wangis sa banggit na “LIVING STONES BECOME SPIRITUAL TEMPLE” ukol sa mga tinatawag na HOLY PEOPLE sa mismong pahayag ng Panginoon sa Mateo 24.


Basahin:


Clue: HOLY PEOPLE – LIVING STONES BECOME SPIRITUAL TEMPLE


Matthew 24 International Standard Version
Jesus Predicts the DESTRUCTION OF THE TEMPLE
1As Jesus left the Temple and was walking away, his disciples came up to him to point out to him the Temple buildings. 2But he told them, “You see all these things, don’t you? I tell all of youa with certainty, THERE ISN’T A SINGLE STONE HERE THAT WILL BE LEFT STANDING ON TOP OF ANOTHER. They will all be torn down.”


Ang mas malinaw na pahayag ng Panginoon ukol sa pagkawasak ng templo


•Lucas 19 41Nang malapit na siya sa Jerusalem at natatanaw na niya ang lunsod, ito'y kanyang tinangisan. 42Sinabi niya, “Kung nalalaman mo lamang sa araw na ito kung ano ang makakapagdulot sa iyo ng kapayapaan! Ngunit ito'y lingid ngayon sa iyong paningin. 43Darating ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, palilibutan ka nila at gigipitin sa kabi-kabila. 44Wawasakin ka nila at lilipulin ang lahat ng taong nasasakupan mo. Wala silang iiwanang magkapatong na bato sapagkat hindi mo pinansin ang pagdalaw sa iyo ng Diyos.”


Alin ang Jerusalem sa ating panahon?


Ibig sabihin lahat ay hindi makakatayo sa kapwa bato, lahat ay iguguho. Lahat ay panghihinaan ng loob kapag dumating na ang katapusan ng kapangyarihan tulad sa saling JW.org ng Daniel 7 na “KAPAG NATAPOS NA ANG PAGDUROG SA KAPANGYARIHAN NG BANAL NA BAYAN ang lahat ng bagay na ito ay DARATING SA KANILANG KATAPUSAN.” Anong kapangyarihan kaya ang tinutukoy sa malalim nating pagsusuri? Alalahanin natin ang pahayag sa Daniel 12:7 sa taas sa saling ingles na “WHEN THE POWER of the HOLY PEOPLE has been completely shattered”. Makakakuha rin tayo ng ideya sa isa pang pahayag ng Panginoong JesuCristo sa mismong Mateo 24, basahin…


Matthew 24:29 New King James Version (NKJV) The Coming of the Son of Man
29 “Immediately after the tribulation of those days THE SUN WILL BE DARKENED, AND THE MOON WILL NOT GIVE ITS LIGHT; THE STARS WILL FALL FROM HEAVEN, AND THE POWERS OF THE HEAVENS WILL BE SHAKEN.


Huwag lang nating isara ang ating pang unawa subalit mula sa mga nakasulat at patalinhagang pahayag ng Panginoon ay mauunawaan natin lahat kung alin/sino ang mga binabanggit. Iyan ang mga palatandaan sa pagdating ng anak ng tao o ng Panginoong JEsuCristo at ang kahirapang di pa nangyayari kahit na kailan. Kaya nga kung makita na natin ang lahat ng ito ay hindi na tayo mabibigla dahil nakahanda na tayo.


Kaya napakahalaga talaga ang pananalig at pagsunod sa mga salita ng ating Panginoong JesuCristo sapagkat ito ang ating ikaliligtas. Maaring sabihin ng iba… “Bayan ng Diyos ang tinutukoy sa mga ibinigay mong talata na dudurugin ang kapangyarihan, kapag bayan ng Diyos ay di niya ito pababayaan dahil may pangako Siya dito”…SAgot natin? Totoo yan… ngunit mas mainam na unawain ang huling mga talatang ihahanay sa inyo. BAkit sa kabila ng mga pangako ng AMA sa Kanyang bayan ay magagawa Niyang durugin ang kapangyarihan ng mga ito? Basahin at unawain…


Salmo 89
34HINDI KO SISIRAIN ANG AKING KASUNDUAN SA KANYA, AT HINDI KO BABAWIIN ANG AKING IPINANGAKO SA KANYA.
35 NANGAKO AKO KAY DAVID AYON SA AKIN KABANALAN AT HINDI AKO MAAARING MAGSINUNGALING.
36Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman gaya ng araw,
37at magpapatuloy ito magpakailanman
katulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”
38NGUNIT, PANGINOON, NAGALIT KAYO sa inyong piniling hari;
ITINAKWIL N'YO SIYA AT INIWANAN,
39BINAWI N'YO ANG KASUNDUAN SA INYONG LINGKOD AT KINUHA SA KANYA ANG KAPANGYARIHAN BLANG HARI.
40WINASAK NINYO ANG MGA PADER NG KANYANG LUNGSOD AT GINUHO ANG MGA PINAGTATAGUAN NILA.
41Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala,
pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod.
Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.
42Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat.
43Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan.
44Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan pati na ang kanyang kapangyarihan bilang hari.
45At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda sa bata niyang edad.
Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.
46 PANGINOON, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan?
Wala na ba itong katapusan?
Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin?
47Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi ang buhay ng tao.
Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao na may kamatayan.
48Sinong tao ang hindi mamamatay?
Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?
49Panginoon, nasaan na ang dati ninyong pag-ibig?
Ang pag-ibig na ipinangako nʼyo kay David ayon sa inyong katapatan sa kanya?
50Alalahanin nʼyo, Panginoon, kung paanong hiniya ng maraming bansa ang iyong lingkod at ito ay aking tiniis.
51Ang mga kaaway nʼyo, PANGINOON, ang siyang kumukutya sa pinili nʼyong hari, saan man siya magpunta.


May matitira sa banal na bayan. Sila ang mga lumakad sa daan ng Panginoon, nagbagong buhay at lubos na nagsisi.
.
Isaias 10
21Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan, 22sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat. 23Sa takdang panahon, ang buong bansa ay wawakasan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.


Kung sa tingin natin ay walang naging paglabag ang mga nangunguna, at ang bayan ng Diyos ngayon ay hindi napasailalim sa mga paglabag sa nakasulat ay wala tayong dapat alalahanin, subalit tulad ng pahayag ng Panginoon ay…


Lahat ng nakasulat ay magaganap...
.
Mateo 5
18Tandaan ninyo: maglalaho ang langit at ang lupa, ngunit ni isang tuldok o kudlit man ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi natutupad ang lahat. 19Kaya't sinumang magpawalang-bisa sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay magiging pinakamababa sa kaharian ng langit. Ngunit ang sumusunod sa Kautusan at nagtuturo sa mga tao na tuparin iyon ay magiging dakila sa kaharian ng langit.